At time like this, sa isang sulok ng kuwadradong silid ng pagmumuni-muni at paglalakbay ng diwa, nais bigkasin ang bawat kataga ng tulang aking naisulat:
LIWANAG SA DILIM
Kung sa yong paghakbang ay mayrong humadlang
Hatakin kang pilit sa madilim na daan
Ulirat lakas sinakop ng kawalan
Pagasang bitbit mawawalan ba nang saysay
Lugmok ang katawan isip tila walang malay
Binalot ng takot kaloobang lupaypay
Sa isang sulok ng kadilimang parisukat
Walang kaakibat ni isa mang balikat
Sa sadlak na pangarap ba’y magsasa walang kibo
Di ba’t likas na tapang ay nasa iyong dugo
Sarili’y ibangon humayo kang nakatayo
Yaong liwanag na mithi ay di na nalalayo
10 comments:
galing naman....naiinis ako sa sarili ko everytime nakakabasa ako ng bongga at mga malalim na tagalog! grh!
ang galing! bravo!
@sunnytoast: thanks, hehe
very positive... like!!
lately ata uso ang tula, check may new entries too. hehe
tapang sa aking dugo'y nananalaytay?haaaaay.....sana maharap ko nga talaga at makayanan ko ang nakatakda...
@pepe: nice, may pinaghuhugutan ba
@iya: kayang kaya yan kung sinuman ang nkatakda!
galing parang tulang gawa ni dating Jose Rizal.
@diamondr: thx pre, naging proud nman ako hehe
mahilig ka rin palang gumawa ng tula...naamaze naman ako.
Galing ah! Inspiring...
@asiong32: sumusubok lang, salamat bro!
@glentot: salamat po hehe!
Post a Comment