Tuesday, January 10, 2012

DESIRE







Sa payak na gabing may hatid na panglaw
Dulot na lamig dumadampi sa katawan
Sa diwang balisa pagsamo ang inuusal
Na sumapit ang sandaling ika’y makaulayaw

Sa saliw ng hanging tila isang musika
Ninakaw na ulirat may init na dala
Sa payapang haplos, hagod kapagdaka
Isang umagang pagmulat ng mata, masayang nasa tabi ka




5 comments:

Leah. said...

Ano daw? LOL..

Ang lalim ng words na ginamit ah. Nice, nice!

Keatondrunk said...

@Leah: hehe nasa mood Lang!!

bagotilyo said...

ayos ... makata :)

Mr. Tripster said...

galing pa sa baul ang mga salitang ito.... grabe! hehehe... nice poem though...

Keatondrunk said...

@bigotilyo: Thanks pre, Ayos!

@mr.tripster: hehe naghalungkat at may napulot.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...